Thursday, January 5, 2012

Follow That Star: Ruby Rodriquez

click photo for hi-res
Araw-araw natin siyang napapanuod sa longest-running television na Eat Bulaga. Pagdating sa pagpapatawa at hosting, pasok ang style niya sa masa kaya naman labinlimang taon na siyang Dabarkads.

Ngayong Sabado sa Follow That Star, kilalanin si Ruby Rodriquez sa harap at likod ng camera. Bubuksan ni Ruby ang kanyang cute na retro house, kolektor kasi siya ng mga antique na gamit. Sa bahay, hilig din ni Ruby ang pagtatanim ng mga halaman. Ito raw ang paraan niya para magrelax. Kapag wala namang taping, sinisigurado niya na may bonding siya at ng kanyang asawa kasama ng tatlo niyang anak.

Tinutukan ng Follow That Star si Ruby mula bahay, taping hanggang sa kanyang  mga personal na lakad.  Lahat ng kanyang kakulitan, huling-huli ng camera; kasama ang kanyang pamilya pati na sina Tito, Vic & Joey at lahat ng Dabarkads.  Ang katrabahong si  Allan K daw ang matalik na kaibigan ni Ruby kaya naman hindi niya pinalampas na dumalo  sa birthday ng kaibigan.

Sundan ang kwelang buhay ni Ruby Rodriguez sa Follow That Star, Sabado, 7:55 PM sa GMA News TV.


Program Name: Follow That Star
Guest/s: Ruby Rodriguez
Airing Sched: January 7, 2012 (Saturday), 7:55pm
Channel: GMA News TV Channel 11


No comments: