FRONT ROW presents “PAG-AHON SA PUTIK” on January 7, 2012
click the photo for hi-res |
Isa sa pinakamapinsalang bagyong naranasan ng Pilipinas sa kasaysayan ang Bagyong Sendong. Mahigit isang libo ang nasawi, libu-libo ang nawalan ng tahanan at kabuhayan, milyun-milyon ang halaga ng pinsalang iniwan.
Tatlong linggo mula nang maganap ang trahedya, bakas pa rin ang matinding epektong dulot ni Sendong.
Marami pa ang hindi natatagpuan ang kanilang mga kaanak. Libu-libo ang parang sardinas na nagsisiksikan sa mga evacuation center at hindi malaman kung saan at paano muling sisimulan ang kanilang buhay.
May ilang bumalik na sa kanilang tahanan at pinipilit na muling buuin ang gumuho nilang mga pangarap. Tulad ni Jomilyn na naulila nang masawi ang kanyang mga magulang at tatlo pang kaanak nang manalasa ang flashflood. Malaking hamon para sa kanya kung paano ipagpapatuloy ang pag-aaral at itataguyod ang iba pang kapatid na nakaligtas mula sa sakuna. Matiyaga namang itinatayo ni Oliver ang nawasak nilang bahay para makapagsimula silang muli kapiling ang kanyang mag-ina sa kabila ng kanilang pangungulila sa pagkamatay ng dalawa nilang anak. Ang trese anyos na si Giovanni, tulak-tulak ang kanyang kariton para naman mangolekta ng putik mula sa mga lumubog na kabahayan. Bawat putik na pinapala, matiyagang iniipon para raw magamit sa pagpapatayo ng bagong tirahan para sa kanyang pamilya.
Tunghayan ang iba’t ibang kuwento ng pagbangon, pag-ahon at pag-asa sa Front Row ngayong Sabado, January 7, 8:40pm sa GMA News TV Channel 11.
Comments